Wow! :)

Nag-GM kasi ako na gutom na ko. Wala pa kasi si Mama. Tapos may natanggap akong pagkain. Galing KFC. Malamang inorder. Pero wala akong ino’order. Nagpanic ako kasi 10 pesos lang pera ko dito. 

Ako: Kuya hindi po ako nag’order. Mali po kayo ng place. San niyo ba idedeliver yan?

Guy: Hindi po Ma’am. *pinakita yung address pati name ko* Sa inyo po talaga ‘to.

Ako: Bahala ka dyan Kuya. Hindi ko to babayaran. Sino ba umorder niyan?

Guy: Hindi niyo naman po talaga babayaran. Hindi ko nga po kayo siningil e. Binayaran na po to.

Ako: Sino nga nagbayad? Tsaka pano binayaran sayo?

Guy: Nakipagkita po.

Ako: Saan? Kuya, kanina ko pa tinatanung kung sino nagbayad.

Guy: Madami pa po akong idedeliver. *nilagay yung pagkain sa lamesa. may inabot na papel sabay alis*

Bastos. Bigla na lang umaalis. Di pa kami tapos mag-usap e. Nung pagbasa ko dun sa papel na binigay. Kinilig ako. HAHA! Ang clue daw, lalaki siya, #14 tsaka letter J. Hindi ko alam kung sino to. Kasi wala akong kilala sa mga kaibigan kong lalaki na 14 favorite number. :/ 1pc fully loaded meal tsaka large crispy fries inorder niya para sakin. Hay! Ginawa niya naman akong patay gutom. Haha. Pero thanks na rin kung sino man siya. Ang bait masyado. :) Tara, kain tayo. ;)



All your promises won’t let go of me. :)

Selosa.

Selosa akong tao. Napaka! :) Totoo, kahit sa kaibigan ko nagseselos ako. Minsan lang ako yung naiiyak sa selos. Pero madalas nagagalit ako sa selos. Eh kasi, ewan ko. Ganun talaga e. Pero pag sa kaibigan ko, hindi ko pinapakitang nagseselos ako. Nahihiya ako e. Kahit sa bestfriend ko. Kaya minsan pinapalipas ko na lang yung mga ganung feeling. :) Baka kasi magcause pa ng away. :)